Mga tagasunod

Lunes, Enero 14, 2013

APO ISLAND



Ang Apo Island ay isa sa pinakamaliit na bulkan na sa karagatan sa Pilipinas.Isa ito sa "known marine sanctuaries.Sa ilalim nito ng malinaw at kumikintab na kulay asul na tubig ay mamamgha ka sa mga koleksyon nito na 600 na ibat-ibang klase ng mga isda at 400 na ibat-ibang uri ng koral.Ang Apo Island ay napakagandang pasyalan lalo na sa gustong-gusto ang paglangoy sa dagat.
Makikita ang magandang tanawin na ito sa Negros Oriental

MT.PULAG


Ang Mt.Pulag ay pangalawa sa pinakamataas na tugatog sa Pilipinas.Ang Mt.Pulag ay patok na patok sa mga turistang mahilig umakyat sa mga bundok.Ang pinaka magandang akyatin dito ay ang gubat at damuhan at ang kanilang "sea of clouds" na kababalaghan.Sinasabing hindi mo malilimutan kapag nakapunta ka na dito.Ang bundok na ito ay isa sa pinakamagandang pagmasdan ang paglubog at paglitaw ng araw sa Pilipinas .Makikita dito ang buong lugar ng Cordillera.
matatagpuan ang Mt.Pulag sa Benguet

MT.PINATUBO



Ang Mt. Pinatubo ay isang aktibong bulkan.Ang huling pagputok ng bulkan ay noong Hunyo 1999,Ang Pinatubo ay isa sa pinakamalaki at pinakabayolenteng pagputok noong 20 na siglo ng nakakaraan.
Bago ang 1991 ang bulkan ay hindi mahalata sapagkat binabalutan ng ito ng mga nagsisiksikang mga puno na malapit sa mga taong naninirahan dito daang taon na ang nakakalipas.Ang mga katutubong pilipino na ito ay tinatawag na Aeta na nangalaga ng bulkan bago pa man dumating ang mga kastilang nanakop noong 1565. 
Mayroon din itong lawa na  kung saan nasa ilalim nito ang bunganga ng bulkan.
Maganda itong puntahan ng mga bakasyonistang gustong umakyat ng mga bulkan
ang Mt.Pinatubo ay makikita sa Zambales

PUERTO PRINCESA
















Ang Puerto Pricesa Underground River ay isa sa mga pinakamakabuluhan na protektado ng pilipinas.Matatagpuan ito sa gawing silangan nga baybayin ng Palawan.ang lugar ito ay nagpapakita ng kamangha-manghang mga bato.Ito ay isa sa mga "impressive cave system in the world"ang kwebang ito ay naglalaman ng 8.2 na kilometro ang na bumabalagtas direkta sa karagatan.

 Merong mga bangkang maaring sakyan upang maghahatid sa loob ng kweba maraming kakaibang nga hayop ang makikita sa loob ng madilim na kwebang ito
Bagay na bagay ito sa mga bakasyonistang mahilig sa adventure.
Kaya't anu pang hinihintay niyo halina't ating isa-isahin ang mga nakatagong yaman ng pilipinas





KAPURPURAWAN ROCK FORMATION


Ang islang ito ay hindi ginawa ng mga taong naninirahan dito kundi ang kalikasan mismo ang lumikha,Dahil sa pabago-bagung klima at sa pagguho ng mga lupa.kakikitaan ito ng mga nakamamanghang pormasyon ng mga bato at ibat-ibang hugis nito,Isa sa mga ito ang hugis "haed iconic",duyan at nagpapahingang dragon pero ang pinakakamanghamangha sa lugar na ito ay ang mag-atas na puting kulay nito ayon sa mga taong naninirahan dito nagiging mas maputi ang kulay nito sa buwan ng abril at mayo.

makikita ang napakagandang tanawing ito sa Burgos,Ilocos Norte.
Bagay ito sa mga bakasyonistang gusto ng katahimikan at sariwang hangin .
Kaya't anung hininantay tayo na at pumunta sa napakagandang lugar na itongayong bakasyon.